Birthday Greetings to Felix Flores ( Dec 31 )

Happy Birthday, Felix Flores

PBA pioneer
Ateneo de Manila Blue Eagles guard / center
Carrier Weathermakers sentinel
1-PBA season veteran

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

FELIX "MEGS" FLORES
Ang isa pangunahing center guard ng U-Tex Weavers ay si Felix Flores. Si Megs (palayaw sa kanya) ay may taas na anim na talampakan at tumitimbang ng 180 lbs. Bihira siyang makita sa hardcourt sapagka't abala sa kanyang negosyo. Unang sumikat sumikat si Megs Flores bilang center, Ito ang posisyon niya sa loob ng apat na taong paglalaro sa team ng YCO Painters mula noong 1964 hanggang 1966. At ito rin. (center) ang posisyon niya nang lumipat sa Ysmael Steel Admirals noong 1967 at sa Crispa noong 1968. hardcourt Nguni't binago niya ang posisyong ito sa mula noong 1968. Naging guwardiya siya nang sumapi sa team ng Mariwasa Hondas nang taong iyon. At madali naman niyang natutuhan ang pagiging guwardiya. Kaya, sa liga ng MICAA noong 1969, guard na ang posisyon niya sa team ng Mariwasa. Sa ngayon, bumalik na naman siya sa pagiging center nang makabilang sa team ng U-Tex. Nakabilang siya sa national tearn na lumahok sa ABC Championship sa Bangkok noong 1970. Nagsimulang maglaro ng basketbol si Megs sa edad na 10 taong gulang si kanilang bayan sa Oton, Iloilo. Maging nang nag-aaral siya sa St. Clements High School sa Iloilo ay naglalaro rin ng bas ketbol. Lumuwas siya ng Maynila at kumuha ng kursong Commerce sa Ateneo de Manila. At sa unang taon niya sa Ateneo noong 1961, ang Blue Eagles ay naging kampeon sa liga ng NCAA. Pagkatapos nang taong iyon, nahinto ang liga ng NCAA. dahil sa madalas na pag-aaway na nagaganap sa hardcourt. Si Megs Flores ay isinilang sa Oton, Iloilo, may 27 taon na ang nakakaraan. Apat silang magkakapatid, pawang lalaki. Ang nakatatanda niyang kapatid na si Evaristo ay naging basketball player ng Yutivo at Seven-Up. Tapos siya Business Administration, major in Management sa Ateneo University.