Happy Birthday, Gavino Amomonpon ( Jan 30 )

Happy Birthday, Gavino Amomonpon ( Jan 30 )
1 / 1

1. Happy Birthday, Gavino Amomonpon ( Jan 30 )

Si Gavino Amomonpon, Jr. ay isa pa sa maraming baguhan sa liga ng MICAA Summer Basketball Tournament. yembro siya ng team ng Mariwasa Hondas. May taas na 6'1" at tumitimbang ng 185 lbs., ang posisyon niya ay forward. Bilang forward ng team ng Mariwasa, maaasahan din naman siya sa paggawa ng kinakailangang puntos. At kapag si Amomonpon ay nasa loob ng hardcourt at nakikipagtagisan sa mga beteranong mga basketbolista, ginagawa niya ang lahat ng magagawa upang mapanatili ang katatagan ng kanilang team. Hindi pa masyadong pinapaglaro ng husto ni Coach Fely Fajardo si Amomonpon. Sinasanay pa niya ito sa mabuting paglalaro. Alam ni Coach Fajardo na marami pang pagkakataon si Amomonpon dahil sa kabataan nito (may 19 taong gulang lamang) at kataasan, na maging kakinakailangang tangian ng isang basketbolista. Si Gavino Amomonpon, Jr. ay isinilang sa Lopez Jaena, Misamis Occidental noong Enero 30, 1955. Bunso siya sa apat na anak tatlong lalaki at Gavino isang babae) nina Amomonpon, Sr. at dating Sebastiana Arapoc. Ang ama ni Jun Amomonpon ay naglilingkod sa barko tulad din ng mga kapatid niya. Dapat sana ay sa barko rin siya magtrabaho nguni't higit na malapit sa loob niya ang pagiging basketbolista. Batid niyang sa paglalaro nito ay makakatagpo rin siya ng magandang gawain. At waring inaayunan naman ng kapalaran sapagka't sa ngayon ay naglilingk od siya sa Sigma-Mariwasa. Ang mataas na paaralan ay tinapos niya sa St. Francis Xavier College. Sa kasa lukuyan, kumukuha siya ng Kursong Komersiyo (nasa ik alawang taon na) sa Far Eastern University.