Remembering Lawrence “Larry” Mumar (+) on his birthday ( Mar 3 )

1. Remembering Lawrence “Larry” Mumar (+) on his birthday ( Mar 3 )

LAWRENCE "LARRY" MUMAR Kung ano ang puno, siyang bunga. Ito ang naganap sa buhay ni Lawrence "Larry" Mumar. Ang pagkahilig sa basketbol ay minana niya sa amang si Coach Lauro (The Fox) Mumar, beterano ng maraming kompetisyong pang-internationai. Isinilang noong Marso 3, 25 taon na ang nakakaraan sa Cebu City, unang natutuhan ni Larry ang paglalaro ng basketbol sa edad na walong taon. Siyempre pa, ang naging guro niya ay ang ama. Subali't nahinto ang pagtuturong ito nang magtungo ang kanyang amang si Coach Mumar sa bansang India nang sanayin nito ang mga manlalarong Bombay sa loob ng walong taon. Unang naglaro si Larry sa PRISAA Meet, kasama ang mga basketball player na sina Valerio delos Santos, Marte Samson at ang mga magkapatid na Cleofas (Joy at Benjie). Silang lahat ay produkto ng Caloocan High School Basketball team. Sa nabanggit na torneo siya nadiskubre ni Coach Ike Liwanag ng Mapua Tech Red Robins. Ito ang nagbigay sa kanya ng break sa junior team ng Mapua. Noon siya gumawa ng pangalan sa liga ng NCAA. Nang matapos niya ang high school, lumipat siya ng UST at kumuha ng kursong Komersiyo. Siya ang naging highest Scorer ng varsity team ng Glowing Goldies ng UST sa liga ng UAAP ng taong iyon. Nasa ikatlong taon siya ng kursong Komersiyo sa UST nang kunin ng Marisawa Hondas para maglaro sa torneo ng MICAA. May taas na 5' 11", agad siyang gumawa ng pangalan sa MICAA. Higit siyang maaasahan sa jump shot, drive-in, lay-up at flip shot. Deadly siya sa pagbubuslo ng bola sa left handed long shot sa layong 25 hanggang 30 piye sa goal. Iniwan niya ang Mariwasa nang itatag ang team ng Meralco Reddies. Bilang miyembro ng Meralco Reddies, niluma niya ang maraming beterano sa hardcourt nang gumawa siya ng maraming puntos sa bawa't laban ng kanilang team sa MICAA. Dahil sa nagkakaroon ng balingkinitang pangangatawan, isa siyang superb na forwardguard. Lagi siyang maaasahan sa loob ng hardcourt bilang feeder foxy, tricky ball hardler, foul baiter at laging maaasahan sa mga free throws. Makailang ulit na rin siyang naging national basketball players Ito ay sa Asian Games sa Japan, sa ABC sa Bangkok, sa RP Youth Selection sa Seoul, Korea at dalawang ulit sa Pesta Sukan (1971-72). Siya ay napili ring "most valuable player" ng Palarong Pilipino, at isa sa mga naging kinatawan ng RP sa "ABC All Stars Selection" na binuo ng mga super cagers ng Korea, Nationalist China at RP, na nagtanghal ng mga exhibition games sa lahat ng key cities ng Asia.