Happy Birthday, Rolando “Rollie” Marcelo ( Apr 2 )
1.
Happy Birthday, Rolando “Rollie” Marcelo
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)
2-season PBA veteran
PBA pioneer
Letran Knight

ROLANDO MARCELO
Si Rolando "Rollie" Marcelo ay isa sa pangunahing manlalaro ng SMB Braves sa liga ng MICAA. May taas na 5' 9" at timbang na 144 lbs., ang posisyon ni Marcelo ay forward. Kapag nag-init ang kamay, maaasahan siya sa long shot, kahit na sa layong 25 hanggang 30 piye o higit pa. Ang galing sa larong basketbol ni Rollie ay unang namalas noong 1968 sa unang taon niya sa koponan ng Letran Knights. Nang panahong iyon, kinilala siyang isa sa pinakamagaling na forward sa liga ng NCAA. Sa dream game ng NCAA at UAAP na ginanap noong 1968, si Marcelo ang nahirang na "most valuable player". Dahil sa kagandahan ng rekord sa NCAA, kinuha siya ng team ng SMB Braves noong 1970. Kahit na maliit, siya ay mabilis at maliksi. Maaasahan siya sa paggawa ng kinakailangang puntos, lalung-lalo na sa mga gipitang labanan. Nagsimulang maglaro ng basketbol si Rollie sa edad na 11 taon sa maliit na basketball court sa Dandan, Tondo, Maynila. Nguni't hindi naman siya naglaro ng basketbo! nang mag-aral sa Torres High School sa loob ng apat na taon. Magkaganito man, nagsasanay siya ng basketbol sa mga libreng oras niya. Kumuha siya ng Commerce sa UST. Sa udyok ng isa niyang tiyuhin, kumuha siya ng tryouts nang mangailangan ang UST Glowing Goldies ng players para sa liga ng UAAP. Nakuha naman si Rollie. Kaya, may dalawang taon din siyang naglaro sa UST Glowing Goldies bago lumipat sa Letran Knights. Naglaro rin si Marcelo sa liga ng interbank, sa koponan ng Banco Filipino. Noon nga niya nakilala ang naging kabiyak ng puso na si Mercy Maragay. Si Rollie Marcelo ay isinilang sa Maynila noong Abril 2, 1947. Pito silang magkakapatid, anim na lalaki at isang babae. Tapos siya ng Commerce sa San Juan de Letran Colleges. Mahilig din siyang lumangoy at tumugtog ng gitara. Naglilingkod si Marcelo bilang accouting clerk sa San Miguel Corporation.



Aris Garcia
