Flashback Amateur Player Feature 20 - Engracio “Boy” Arazas

"Amateur Players who didn't get to play in the PBA"

1.

Flashback Amateur Player Feature 20 - Engracio “Boy” Arazas

Gold Medalist in the 1962 Asian Games
Multi-member of the RP Men’s basketball team in the 60’s
Ysmael Steel Admiral and Meralco Reddy Kilowatt in the MICAA 
Far Eastern University Tamaraw
Multi-skilled guard with hard-nosed physical defense

Source : Sports Weekly Magazine/Sportsworld (PBA Archives Collections)

ENGRACIO "BOY" ARAZAS
Sa line-up ng mga basketball players ng Concepcion Motorolas, isa sa maaasahan sa rebound at assist si Engracio "Boy" Arazas. May taas na 5'9", kinikilala siyang isa sa pinakamahusay na forward sa liga ng MICAA mula pa noong panahon ng paglalaro niya sa Ysmael Steel Admirals. May pinagbabatayan naman ito. Nang kasalukuyan pang naglalaro para sa UAAP, si Arazas ang binigyan ng parangal bilang "pinakamagaling na forward". Taglay ni Arazas ang bilis ng paglalaro sa hardcourt. At hanggang ngayon naman, mahilig siya sa fastbreak. Pamatay ang kanyang mga jump shots, drive-in lay-ups at mga acro batic shots. Munting bata pa lamang ay mahilig na siyang maglaro ng basketbol. Kasama ang mga kababata, inaabot sila ng gabi sa paglalaro sa basketball court ng San Lazaro Fire Station sa Avenida Rizal, Maynila. Unang naglaro para sa junior team ng Far Eastern University si Boy. Ang nakadiskubre sa kanya ay si Coach Jose "Peping" Yee. Sinanay at tinuruan siya nito. Nagpamalas kaagad siya ng kahusayan bilang forward ng FEU Baby Tamaraws sa liga ng UAAP. Nang makatapos ng high school, ipinagpatuloy ni Arazas ang pag-aaral sa kolehiyo at nakabilang sa team ng FEU Tamaraws. At sa apat na taong liga ng UAAP, nakilala nga ang kahusayan niya bilang best forward. NaAng unang team na nasamahan ni Arazas sa liga ng MICAA ay bilang miyembro ng Ysmael Steel Admirals. kasama niya rito sina Manny Jocson, Narciso, Bernardo, Boy Marquez at Jimmy Mariano. Nang mabuwag ang Admirals, sumapi naman siya sa team ng Meralco Reddies, sa ilalim ni Coach Lauro Mumar. Nang masangkot sa gulo sa MICAA ang Reddies at mabuwag, pansamantalang nagretiro sa paglalaro ng basketbol si Arazas. Nguni't dahil sa talagang hilig ang basketbol, nang kunin ng Concepcion Motorolas, muli na naman siyang naglaro. At sa ngayon nga ay isa siya sa pambatong forward ng Concepcion. Si Boy Arazas ay beterano ng ilang international competitions, kabilang na rito ang 4th Asian Games sa Jakarta, Indonesia noong 1962.