Happy Birthday, Francis “Kiko” Arnaiz ( June 4 )

Happy Birthday, Francis “Kiko” Arnaiz

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

Mr. Clutch
PBA pioneer
10x PBA champion 
1973 ABC gold medalist
3x Mythical First Team selection
PBA’s 25 Greatest Players member
PBA Hall of Fame inductee
12-season PBA player

FRANCIS "KIKO" ARNAIZ
Maliit nga si Francis "Kiko" Arnaiz nguni't magandang pumuwesto, mabilis at maparaan. Mahusay siyang guwardiya at talagang maaasahan sa pagagaw ng bola sa matataas na kalaban at magaling sa assist. Bilang miyembro ng national team (sa ABC na ginawa sa Maynila at sa World Basketball Champsionship sa Puerto Rico), si Arnaiz ay kinilala ng mga apisyonado sa basketbol sa parang kidlat na pagpasa ng bola sa mga kasamahan at sa mga napanahong pag-alalay. At kung may pagkakataon din lang, siya na ang nagsisiyut ng bola, sa pamamagitan ng isang fastbreak, sa paborito niyang drive-in lay-ups at running shot. Bagama't kinakailangan pa rin ang paglilingkod sa RP team na pumunta sa Asian Games sa Tehran, iran, hindi na sumali sa try-outs si Arnaiz. Idinahilan niya na mag-aasawa na siya kanyang kasintahang si Susan Reyes, ang Miss Camay. Ikinasal sila noong Oktubre 4, 1974. Nakabuti naman sa Toyota Comets and desisyong ito ni Arnaiz. Sa MICAA '74, naging mabisang kasangkapan si Arnaiz sa mga mahigpitang labanan sa hardcourt ng Araneta Coliseum. At dahil sa mahusay nga, kasama siya sa MICAA Selection, na nakikipagsagupa sa dayuhang basketbolista na dumarayo sa tuwi-tuwina sa ating bansa. Munting bata pa lamang ay naglalaro na ng basketbol si Arnaiz sa kanilang bayan sa Bacolod City. Naging player siya sa sangay ng De La Salle College sa kanilang siyudad. Nang lumuwas siya ng Maynila at mag-aral sa Ateneo de Manila, kinuha si Arnaiz ni Coach Nilo Verona at naging miyembro ng Blue Eagle. Malaki ang nagawa niya sa pagiging kampeon ng Ateneo sa NCAA noong 1968. Nang buuin ang team ng Meralco Reddies, kinuha siya ni Coach Lauro Mumar. Nasangkot sa gulo ang Reddies sa isang enkuwentro sa MICAA, kaya binuwag noong 1971. Lumipat naman si Arnaiz sa team ng U-Tex Weavers. Hindi siya gaanong nagtagal sa team na ito at muling lumipat sa Toyota Comets, na kinabi bilangan niya ngayon bilang guard-forward. Si Francis Arnaiz ay ipinanganak sa Bacolod City noong Hunyo 4, 1951. Ang kanyang mga magulang ay sina Jose Arnaiz at Teresa Cacho, na kasalukuyang naninirahan sa Bacolod City (Capitol Subdivision). Pangalawa si Francis sa apat na magkakapatid. Man ager ng Bacolod branch ng Firestone ang ama niya.