Happy Birthday, Joselito “Lito” Eguia ( June 19 )

Happy Birthday, Joselito “Lito” Eguia

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

PBA Pioneer
Southwestern University Jaguars guard
Tanduay Distillers reliever

JOSELITO EGUIA


Tall, dark ang handsome iyan ang kabuuan ng centerforward ng U-Tex Weavers, na si Joselito Eguia. Mabibihira ang magandang record niya sa basketball, sapagka't karaka ay sa malakihang paliga ng MICAA siya naglaro. Nag-aaral pa lamang siya sa De La Salle College nang kunin ni Coach Lauro Mumar para maglaro sa Meralco Reddies noong 1970. Hindi nabigo si Coach Lauro Mumar sa kanya, sapagka't si Lito (palayaw sa kanya) ay isang mahusay na basketbolista, at hindi napahuli sa noon ay mga beteranong manlalarong dinatnan niya sa team ng Meraico, na tulad nina Jimmy Mariano, Sonny Jaworski, Alfonso "Boy" Marquez at Larry Mumar. Tumagal nang may tatlong taon ang paglalaro ni Lito sa Meralco, at siya ay maituturing na malakas na instrumento ng nasabing koponan nang ang Meralco Reddies ang magkamit ng korona sa MICAA noong 1971. Nang mabuwag ang Meralco Team, si Lito ay agad kinuha ni Coach Nilo Verona para maglaro sa noon ay Yutivo Opels. Nang mabuwag ang Yutivo, mabilis uli siyang kinuha ni Coach Mumar para maglaro sa U-Tex Weavers.