Happy Birthday, Bernard “Bernie” Fabiosa ( July 23 )

Happy Birthday, Bernard “Bernie” Fabiosa

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

“Tough Job” / “Sultan of Swipe”
PBA pioneer
PBA 25 Greatest Players member
17-season PBA veteran
15x PBA champion
University of San Jose Recoletos Jaguars 
1974 Asian Youth gold medalist

BERNARD FABIOSA
Ang isa pa sa kabataang mahusay na manlalaro Crispa-Floro Redmanizers na ang posisyon ay guard-forward ay si Bernard Fabiosa. May taas na 5'9" at tumitimbang ng 155 libras. Ang kanyang kakayahan sa paglalaro ng basketbol ay napatunayan na sa maraming pakikipaglaban koponang Crispa-Floro, sapagka't isa siya sa maaasahang instrumento ng team sa pakikipagtunggali sa local hardcourt. Nagsimula siyang humawak ng bola ng basketbol noong nag-aaral pa lamang sa City Central Elementary School sa Tagbilaran City. At nahasa siya nang husto nang maging high school student, lalo na nang mag-aral sa University of the East. At ang pinamalaking break sa kanyang basketball career ay nang mapabilang siya sa malakas na koponan ng team pinaglilingkuran na niya ngayon, ang Crispa-Floro. Sa kabila ng katotohanang nakasama niya ang mga kabataan din at mahuhusay na manlalaro, na nanggaling sa iba't-ibang kolehiyo, siya ay hindi nagpapahuli sa mga ito. Nakikipagsabayan ang kanyang kahusayan sa basketbol, na patunay na madalas siyang ipasok sa hardcourt ni Coach Baby Dalupan sa mahigpitang laro. Maaasahan sa shooting, sa pag-assist at kung Guard ang laro niya, mahirap siyang maagawan ng bola. Mahusay rin siya sa mabilisang laro. Sigurado rin siya sa pagpapasa ng bola. Isinilang sa Tagbilaran City noong Hulyo 23, 1954. Pinakabata si Bernard sa kanilang apat na magkakapatid. Tatlo silang lalaki, at ang tanging babae na sinundan niya. ay isa pang estudyante. Marami pang pangarap si Bernard Fabiosa na hangad na maisakatuparan. At ang higit sa lahat, maging matagumpay siyang manlalaro at mapabilang sa national team.