Happy Birthday, Alex "Sixto" Agbay! ( Jan 3 )
Happy Birthday, Alex "Sixto" Agbay! ( Jan 3 )
PBA pioneer
Jose Rizal College Heavy Bombers guard
1969 NCAA Most Valuable Player
1-season PBA veteran
7/Up Uncolas point guard
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

SIXTO AGBAY
May taas na anim na talampakan. Mataas tumalon at mahusay sa long shot. Iyan si Sixto Agbay, ang pambatong forward ng 7-UP Uncolas. Mahusay rin siya sa drive at jumpshot. At kapag siya ang may hawak ng bola, nahihirapan ang gumuguwardiya sa kanya, sapagka't nakapagsisiyut siya nang nakailag ang katawan, at parang kabisado niya ang goal sa distansiyang mga 15 piye. Hindi bago ang pangalan ni Sixto Agbay sa larong basketball, sapagka't nagkamit na nang mataas na karangalan sa larong ito nang siya ay maging "Most Valuable Player" ng NCAA noong 1969. At isa r siyang mahusay na instrument ng Jose Rizal College Heavy Bombers nang magchampion sa NCAA noong 1966-67. Beterano na rin siya ng maraming panahon sa liga ng MICAA. Nakapaglaro na rin siya sa malakas na koponan ng YCO Painters at sa Mariwasa Hondas at sa kasalukuyan ay naglalaro siya sa 7-Up Uncolas. Forward ang laro niya. Sa puwestong ito, higit niyang na ipakikita ang bilis at husay sa hardcourt. Third year Commerce si Sixto sa Jose Rizal College nang matigil ng pag-aaral. At kung ipagpapatuloy pa ang pag-aaral ay bagay na pinagaaralan pa rin niya. May kabiyak na siya sa buhay at dalawang anak, na parehong babae na kapwa nag-aaral sa kindergarten. Mula siya sa lalawigan ng Quezon. Sa bayan ng Mauban siya isinilang noong Enero 3, 1948. May tindahan siya ng sarisari na pinangangasiwaan ng kanyang maybahay at pinagkakalibangan din niya sa oras na nasa kanilang tahanan. Sa kasalukuyan ay sa Mandaluyong, Rizal siya naninirahan. Ang tangi niyang pansa buhay ay maggarap tagumpay sa kinabukasan at masubaybayan ang hinaharap ng kanyang mga mahal sa buhay.



Aris Garcia
