Happy Birthday, Samson Van Nery ( Feb 14 )

Feb 13, 2024 - 21:40
 0  143
Happy Birthday, Samson Van Nery ( Feb 14 )
1 / 1

1. Happy Birthday, Samson Van Nery ( Feb 14 )

Van Samson C. Nery. Sammy Cass. Born 14 February 1954 in Jimenez, Misamis Occidental. 5-10. 139 lbs. Forward. University of Visayas.  Isa sa mga bagong mukha sa malakas na koponan ng CrispaFloro Redmanizers ay si Sammy Nery. May taas na 5' 10" at forward ang nilalaro niya. Sa mga naunang paglalaro niya, agad siyang nagpamalas ng kakayahan sa pakikipagtunggali sa hardcourt. Maaasahan din ang kanyang kamay sa pagbu buslo ng bola. Mahusay rin siya sa lay-ups. Nahasa siya ng paglalaro ng basketbol nang nag-aaral pa sa Cebu Central College. Naging manlalaro siya nito sa simula noong 1971 hanggang 1972. At sa paglalaro niya sa college team, nagkamit siya ng isang parangal na hindi niya malilimot sa buong buhay niya, ang pagiging "most valuable player" sa Davao Open Basketball Tournament noong taong 1972-73. Tapos siya sa CCC ng Custom Administration noong 1972. Nang lumuwas sa Maynila, agad siyang napabilang sa team ng Crispa-Floro, na nasa ilalim ng pamamahala ni Coach Baby Dalupan. Nabigyan ng magandang pagkakataong maipamalas ang pambihira niyang kakayahan sa basketbol, nang ang 6 players ng Crispa ay mapabilang sa nationa! Players. Marami rin siyang alam na sports. Kabilang ang pagtugtog ng gitara at paglangoy. Nguni't una at higit na matimbang sa kanya ay ang paglalaro ng basketbol. Isa pang binata, sa kasalukuyan ay kawani siya sa Aguinaldo Development Corporation. Isang businessman kanyang ama, at guro naman ang kanyang ina. Isinilang noong Pebrero 14, 1954 sa Jimenez, Misamis Occidental. Mahirap makalimutan ang araw ng kanyang pagsilang, sapagka't kaarawan din ng mga puso. Kababayan niya si Jesse Sullano ng Mariwasa Hondas.

What's Your Reaction?

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow