Birthday Greetings to Jimmy Noblezada ( Dec 26 )

Birthday Greetings to Jimmy Noblezada ( Dec 26 )
1 / 1

1. Birthday Greetings to Jimmy Noblezada ( Dec 26 )

JAIME "JIMMY" NOBLEZADA
Ang isa sa pinakamagaling na center ng Concepcion Motorolas ay si Jaime "Jimmy" Noblezada. May taas na 6' 2" at may timbang na 175 lbs., si Jimmy ay maaasahan sa rebound, undergoal stabs, jump: shot sa layong 25 piye at mahusay sa foul throw. Kilala sa taguring taongbato, si Jimmy ay halos walang kapaguran kapag nasa loob ng hardcourt. Isa siya sa mga top scorer ng Motorolas sa nakaraang liga ng MICAA. Ang nakadiskubre kay Noblezada ay si Ramon Hechanova, ang nakababatang kapatid ng team manager ng CII na si Rafael Hechanova, na dating national player. Ito ang nagrekomenda sa kanya para makapaglaro sa Motorolas. Noon 1972, si Jimmy ay sumali sa tryouts para sa team ng RP Youth. Nakuha naman siya. Ang mga nakasama niya sa nasabing team ay sina Marcelino Diputado, Quirino Salazar, Boy Rivera, Joy Dionisio, Rey Franco (captain ball), Mike Bilbao, Philip Cezar, Ed Carvajal, Ompong Segura at Atoy Co. Sila ang nagkampeon sa igang isinagawa sa Maynila. Sumali rin si Jimmy sa tryout para sa bubuo ng team na ipadadala sa Tehran, Iran.. Nakuha sila ni Rudolf Kutch bilang alternate player sa ating RP team, ngunj't hindi naman nakasama sa Tehran. Lagi naman siyang nakakasama team ng MICAA Selection. Si Jimmy Noblezada ay ipinanganak noong ika-26 ng Disyembre, 1950. Pansaman talang tumigil siya sa pag-aaral bagama't nasa ikatlong taon ng kursong Komersiyo sa University of San Agustin sa Iloilo City, nang puspusan niyang harapin ang basketbol. May 23 taong gulang, si Jimmy ay binata pa. Wala pa sa loob niya ang pag-aasawa. Ang mga kabarkada niya ay sina Marcelino Diputado at Arthur Herrera. Sa kanyang mga libreng oras, nakikita si Jimmy Noblezada sa kanyang sastreriya, na may pangalang Adam sa Paco, Maynila.