Happy Birthday, Reynaldo “ Rey” Franco! ( Mar 22 )

1.

REYNALDO "REY" FRANCO
Ang isa sa pambatong guwardiya ng Crispa-Floro Redmanizers ay ang may maliksing pangangatawang si Reynaldo "Rey" Franco. Kahit may taas lamang na 5'9", mahusay siyang magdala ng bola at laging maasahan sa paggawa ng puntos. Kabilang siya sa tinatawag na shooting guards. Ma aasahan din siya sa long shot. Nagsimula siyang maglaro sa ng Crispa noong Pebrero, 1971, sa liga ng ALL-Filipino MICAA. Malaki ang nagawa ni Franco sa pagiging kampeon nila sa nasabing liga. Isa siya sa mga top koponan SCOPI.  Nagpatuloy ang pagsikat ni Rev sa liga ng PANAMIN, National Open at sa National Invitaional. Sa tatlong torneo, sa National Open lamang nagtagumpay ang Crispa. Noong 1971, kasalukuyan pang naglalaro si Rey sa koponan ng UE Warriors, hiniram na siya ng Crispa para maglaro sa nasabing team. Hindi naman sila nagkamali ng pagkuha kay Rey sapagka't talagang maaasahan siya sa paggawa ng kinakailangang puntos kahit na sa mahigpitang labanan. May siyam na taong gulang. pa lamang si Franco nang matuto siyang maglaro ng basketbol sa playground ng Instruccion, Sampaloc, Maynila. Noong 1967, naglaro siya sa junior team ng University of the East. Dalawang taon din siyang naglaro sa UE bago lumipat sa Caloocan High School na kung saan siya nagtapos. Muli siyang bumalik sa varsity team ng UE, ngayon ay sa Warriors na, noong 1971. Kumuha siya ng kursong Komersiyo sa UE. At sa pangunguna niya, naging kampeon ang UE sa liga ng UAAP. Dahil sa pagiging magaling na basketball player, kabilang siva sa kumuha ng try-outs sa binubuong RP Youth Team hindi lang siya nakuha kundi naging captain ball pa. At muli niyang pinangunahan ang RP Youth Team tungo sa pagiging kampeon sa buong Asia. Nang anim sa kasamahan niya ang napiling player ng RP team na pumunta sa Tehran, Iran, pinangunahan ni Franco ang Crispa sa liga ng MICAA '74. Si Franco ay lagi ring nakasama sa MICAA Selection, na humaharap sa mga dayuhang basketbolista sa ating bansa. Ang huli nilang nakalaban ay ang Athletes-inAction.