Happy Birthday, Ramon “Gene” Lucindo ( May 29 )
Happy Birthday, Ramon “Gene” Lucindo
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)
PBA pioneer
1969 ABC silver medalist
1971 MiCAA champion

RAMON "JENNY" LUCINDO
Si Ramon "Jenny" Lucindo ay pambatong center ng Concepcion Industries Motorolas sa liga ng MICAA. Dahil sa kataasan (6' 2 1/2), maaasahan siya sa rebound at long shot. Isa rin siya sa mga top scorer ng kanila team. Sa edad na 13 taong gulang, naglalaro na si Lucindo ng basketbol sa koponan ng Don Bosco. Nang matapos ang elementarya sa Don Bosco, nagaral siyang sandali sa Ateneo de Manila at pagkatapos ay sa mataas na paaralan ng UniverSity of Manila. Habang nasa UM, naglaro siya para sa Intramurals. Nang makatapos ng haiskul, kumuha siya ng kursong ko mersiyo sa University of Santo Tomas. Naging miyembro siya ng team ng UST Glowing Goldies sa liga ng UAAP. Sa UAAP siya nagkaroon ng pang alan sa larong basketbol. Nang makatapos ng kursong Komersiyo sa UST, kinuha siya ni Coach Latre "Bay" Mumar para maglaro sa Meralco Reddies. Nang buwagin ang team ng Meralco, si Lucindo ay lumipat sa Mariwasa Akai-Recorders. Bilang center-forward ng Mariwasa, nagpakita siya ng gilas sa torneo ng ALL Filipino MICAA. At sa pangunguna ni Lucindo naging kampeon ang Mariwasa sa torneo ng MICAA ng dalawang beses 1971 at 1972. Si Lucindo ay dalawang ulit na ring nagiging kasapi sa pamkoponan. Noong bansang 1969, naging miyembro siya sa team na ipinadala sa liga ng ABC sa Bangkok, Thailand. Noong 1972, kasama rin siya sa RP team na lumahok sa Pesta Sukan na isinagawa sa Singapore. Noong 1973, isa si Lucindo sa 10 napili bilang pinakapopular na basketbolista ng bansa. Nang umalis sa Mariwasa si Coach Eduque at lumipat sa Concepcion Industries Motorolas, sumama si Lucindo. Kaya, sa ngayon, sa Motorolas na siya naglalaro. Si Jenny Lucindo ay isinilang sa Maynila noong Mayo 28, 1947. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid. Ang panganay niyang kapatid na Si Romulo ay naging basketball player din ng Ateneo at UST. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa Meralco. Mayroon din siyang gasoline station sa Aurora Boulevard, San Juan, Rizal.





Aris Garcia
