Happy Birthday, Romeo “Romy” Lopez ( June 6 )

Happy Birthday, Romeo “Romy” Lopez

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

1990 PBA Rookie Draft 16th overall pick
1992 Philippine Cup champion
6-season PBA veteran
Arellano Chiefs guard

PARANG MOUNT PINATUBO NA 600 taong namahinga bago su- mambulat at naminsala dalawang linggo na ang nakararaan, naghintay rin nang mahabang panahon si Romeo Lopez na ngayo'y namiminsala rin sa mga na- kakasagupa ng San Miguel Beer sa kasalu- kuyang PBA All-Filipino Conference. At parang pinagtiyap naman ng pag- kakataon dahil si Lopez ay tubong Mexico Pampanga, isa sa mga lugar na nagpuputik dahil sa ashfall na dulot Pinatubo. "Sa hirap ng dinaranas ko araw-araw, talagang kailangang pumukpok ako nang husto dito sa San Miguel. Kasi naisip ko, ito na ang break na hinihintay ko. Nag- bunga rin ang lahat ng pagtitiyaga ko," ani Romy na ipinanganak noong Hunyo, 6, 1963 at panganay sa walong supling nina Roberto Lopez at dating Adela Razon. Kasi nga'y talagang nagtitiyaga si Ro- my sa mga panahong ito. Balikan siyang umuuwi sa Bales Pampanga at halos tatlong oras ang ginugugol niya sa pagla- lakbay araw-araw. "Okay lang iyon. Basta't magbunga lang ng maganda ang mga pagsisikap ko," ani Romy, isang 6-1 off guard. Si Romy ay nadiskubre sa Sama-Sama sa Paglalaro tournament ng Central Luzon na itinaguyod ni dating Ambassador Eduardo Cojuangco, Jr. noong 1983. Siya'y kabilang sa nagkampeong Pam- panga selection. Buhat doo'y kinuha na siya ng Southern Textile Mills, isa sa mga unang basketball teams na itinayo ni Cojuang- co. Noong 1984, siya'y lumipat sa Mag- nolia. Panandaliang nilisan niya ang Ice Cream Makers upang maglaro ng anim na buwan sa RFM-Swift. Bumalik siya sa Magnolia noong 1987 at nanatili doon hanggang ngayon. Katunayan, siya'y may trabaho na sa San Miguel at siya'y isang route sales- man. Kumuha rin ng kursong Commerce si Romy habang naglalaro sa Arellano Uni- versity Flaming Arrows sa mga colle- giate tournaments kasama ang ngayong mga Beermen na sina Jeffrey Graves at Alvin Teng. Kaya lang ay hindi niya na- tapos ang pag-aaral at hanggang third year lang ang inabot niya.

Si Romy at ang kanyang maybahay na si Regine Pineda ay biniyayaan ng limang supling: sina Rona Beth, Ruth Diane, Roxanne, Russell John at Regine Joy. Noong isang taon pa sana magpo- pro si Romy. Siya'y pinili ni San Miguel Coach Norman Black sa ikalawang round ng amateur draft. Ang first round pick ni Black ay si Edgardo Postanes at sa third round naman ay kinuha niya si Joselo Angeles. Kaya lang dinapuan ng trahedya si Romy at nagkaroon siya ng sprained ankle at pharyngitis bago pa man maka- pag-ensayo sa San Miguel. Tuloy ay ki- nuha na lang ni Black si Angeles sa halip na si Lopez ang papirmahin ng kontrata. Bumalik sa Magnolia si Lopez at nag- tiyaga sa Philippine Basketball League. Hindi na niya inaasahan pang matutu- pad ang kanyang pangarap na makapag- laro sa PBA. Gaya ng hindi pagkakaroon ng katu- paran ng kanyang pangarap na makapag- laro sa National team! "Kasi noong panahon ni Coach Ron Jacog, nasa second team lang ako ng NCC. Hindi ako napabilang sa first team. At noong nawala si coach Jacobs, wala na ring sumulyap man lang sa akin para sa RP team. Sabi ko sa sarili ko, hindi siguro ako talaga bagay sa RP team at nakuntento na lang ako sa amateur league," ani Romy. Pero inamin naman ni Romy na lahat ng basics ay natutunan niya kay Jacobs at malaki ang pasasalamat niya rito.