Remembering the 1973 RP team in the ABC - Robert Jaworski
1. Remembering the 1973 RP team in the ABC - Robert Jaworski

Bagama't temperamental, si Robert "Sonny" Jaworski ay isa sa mga pangunahing basketball player natin sa kasalukuyan. May pangangatawan, may taas na 61 1/2" at tumitimbang ng. 187 lbs., si Jaworski ay guard- forward sa ating national team na pumunta sa Tehran, Iran at Puerto Rico. Nang dumayo sa Maynila ang NBA team para sa tune-up games ng ating RP Five na papuntang Puerto Rico, malaki ang naging pagpapahalaga sa kanya ng playing coach na si Elgin Baylor. Sinabi ni Baylor na si Jaworski ang may pina- kamagaling na performance sa mga manlalarong Pilipino sa hardcourt. Magaling siyang mag-agaw ng bola, maaasahan sa assist, long shot, lay-up at undergoal stabs. Isa rin siya sa mga highest scorer. Kapag si Jaworski ang nasa loob ng hardcourt, parang ipu-ipo siya sa bilis ng paglalaro. Mas gusto niya ang fastbreak.

Si Robert Salazar Jaworski Jay isinilang sa Baguio City may 27 taon na ang nakakaraan. Marso 8 ang araw ng kanyang kapanganakan. Ang ama niya. ay Mestisong Amerikano - Polako. Sa Pandakan, Maynila siya lumaki. Ang basketball fundamentals ay unang natutuhan ni Sonny sa palaruang-bayan ng Barangay housing Project sa Pandakan. a Masasabing hindi basketbol 3 ang unang hilig ni Jaworski kundi volleyball.

Nang mag-aral al siya ng Komersiyo sa UE ,noong 1963, naging miyembro "siya ng Red Warriors. Mula noong 1963 hanggang 1966, naglaro siya bilang miyembro ng Red Warriors sa liga ng UAAP. Ang nakadiskubre sa Sinanay ni Coach Dalupan si, Jaworski. Kaya, nang makatapos si Sonny ng Bachelor of Arts in Business Administration sa UE noong 1968 kinuha siya ni Dalupan upang maging miyembro ng Crispa- Floro Redmanizers. Pagkaraan nito, lumipat si Jaworski sa team ng YCO Painters. Muli niyang iniwan ang YCO nang buuin ang team ng Meralco Reddies. Nabuwag ang Reddies ng masangkot si Jaworski, kasama si Alberto "Big Boy" Reynoso, sa isang laro ng MICAA. Na- suspendi sila ni Reynoso ng halos may isang taon. Nang patawarin sila noony 1973, bumalik sa MICAA si Jaworski bilang skipper ng Toyota Comets.

Naging miyembro siya ng national team sa kompetisyong isinagawa sa World Universiade sa Tokyo, Japan noong 1967; sa Mexico Olympics noong 1968; sa 5th ABC Games (1969-70) at Asian Games (1970-71) sa Bangkok, Thailand; sa 6th ABC Games sa Tokyo noong 1972; sa 7th ABC Games sa May nila; sa World Basketball Champion- ship sa Puerto Rico noong Hulyo, 1974; at sa 7th Asian Games sa Tehran, Iran noong Setyembre 1-16, 1974. Napili siyang isa sa limang pangunahing basketbolista sa Asia noong 1967. Bukod sa paglalaro ng basketbol, nag-aartista rin si Big J (ganito ang madalas itawag sa kanya). Madalas siyang itampok sa mga pelikula ng Imus Productions. Sa ka- salukuyan, bida siya sa pelikulang "Big J" ng VP Pictures. kasal siya kay Elizabeth anak Bautista, ng aktor- prodyuser na si Ramon Revilla.
From Marikit Magazine 1974, SWM, Sports World
Aris Garcia
