Remembering the 1973 RP team in the ABC - Manny Paner

Remembering the 1973 RP team in the ABC - Manny Paner
1 / 1

1. Remembering the 1973 RP team in the ABC - Manny Paner

Si Manny Paner ay isinilang sa Naalad, Naga, Cebu noong Mayo 7, 1949. Ang kanyang mga magulang ay sina Timoteo Paner at Beatriz Sayson. Lima silang magkakapatid; tatlong lalaki at dalawang babae. Baseball player siya noong nasa elementarya. Mahilig siyang umawit at sumayaw.

Kilalang-kilala si Manuel "Manny" Paner sa rebound at sa fastbreak. Kapag sa pagkakagulo sa ilalim ng goal ng kalaban at nakuha ni Paner ang bola, tiyak na mabilis niya itong itatakbo sa kanilang goal sabay ang lay-up drive, na bihirang pumaltos. Bilang center-forward ng San Miguel Corporation Braves at sa taas na 6' 1", si Paner ay kinatatakutan ng kanyang mga kalaban sa gitna ng hardcourt. Wala siyang kakaba-kaba at kapag nag-init ang kamay. nagagawa niyang maibuslo ang bola kahit na saang anggulo. Siya ang lagi ng maaasahan sa paggawa ng kailangang puntos para sa kanilang team. Sinasabing ang kilos ni Paner sa paglalaro ay alangan sa kanyang taas at bigat. Nakapag- didribol si Paner nang goal to gaol at siya rin mismo ang gumagawa ng puntos. Ito ang isa niyang magandang katangian, bukod sa malamig ang ulo at maingat kaya bihirang- bihirang maka-foul ng kalaban.


Malaking tulong ang nagawa ni Paner sa nakaraang 7th Asian Basketball Confederation na isinagawa sa Maynila noong Disyembre bilang miyembro ng ating national team, na ang naging kampeon ay ang bansang Pilipinas. Itinuturing siyang isa sa pangunahing limang basketball player ng RP Five na naglaro sa World Basketball Championship sa Puerto Rico noong nakaraang Hulyo.

From Marikit Magazine, SWM, Sports World