Birthday Greetings to Arthur Herrera ( Jan 11 ) 1960s UAAP UE varsity then MICAA Meralco
1. Birthday Greetings to Arthur Herrera ( Jan 11 ) 1960s UAAP UE varsity then MICAA Meralco

Noong 1973, sa torneo ng MICAA, ang nakapagrehistro ng pinakamaraming puntos ay ang 5' 11" na forward ng Concepcion Motorolas na si Arthur Herrera; umaabot sa 42 puntos. Pangalawa ay si Romualdo Cabading ng Manilabank Golden Bankers (39 puntos) at pangatlo si William Adornado ng Crispa-Floro Redmanizers (36 puntos). Ayon kay Herrera, hindi ito ang pinakamataas na puntos niyang nagawa. Ang talagang record niya ay 48 puntos sa team ng Lincoln College sa Iloilo. Ang unang break ni Herrera ay naganap nang kunin siya ni Coach Virgilio (Baby) Dalupan upang maglaro sa team ng UE Warriors noong 1962. Nang mga panahong iyon, ang UE Warriors ay laging tinatanghal na kampeon sa liga ng UAAP. At habang naglalaro para sa Warriors, si Herrera ay miyembro rin ng team ng CrispaFloro Redmanizers. Siya ang laging inaaasahan ng mga kasamahan sa outside shooting o sa long shot. Nagagawa niyang maibuslo ang bola sa layong mula sa 25 hanggang 30 piye ang layo sa goal.. Hindi nagtagal sa Warriors at sa Crispa si Herrera. Umalis siya sa mga team na ito nang buuin ang pangkat ng Manila Electric Reddy Kilowatts. Inalok siya ni Coach Lauro Mumar na maging miyembro ng team ng Reddies, na karaka naman. niyang tinanggap. Nguni't hindi gaanong nagtagal ang buhay ng team ng Reddies. Nabuwag ang team na ito nang masangkot sa gulo ang dalawa niyang kasamahan na sina Robert Jaworski at Alberto "Big Boy" Reynoso, sa isang laro ng MICAA. At palibhasa'y may kakayahan sa paglalaro ng basketbol, nang simulan ang torneo ng MICAA noong 1972, naging miyembro si Herrera ng team ng Seven-Up Uncolas. Nguni't inabot na naman ng malas ang team na ito. Sapagka't pagkatapos ng 1972 All-Filipino MICAA, ang team ng Uncolas ay binuwag. Nang simulan ang MICAA '73, nakita na Jamang ng lahat si Herrera na naglalaro para sa team ng Concepion Motorolas. At habang kasapi sa team na ito, madalas siyang makabilang sa team ng MICAA Selection. Si Arthur Herrera ay isinilang sa Guimaras, Iloilo noong Enero 11, 1954. Pinakamatanda siya sa limang magkakapatid. Naging miyembro siya ng high school team ng University of San Carlos sa Iloilo at nang lumuwas ng Maynila ay sa UE Warriors naman. Kasal si Arthur kay Virginia Liene at may tatlo silang anak. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho. siya bilang supervisor sa main-tenance section ng Lopez Building division.




Aris Garcia
