Remembering Johnny Revilla (+) on his birthday ( May 26 )
Remembering Johnny Revilla (+) on his birthday ( May 26 )
Eternal repose grant unto Johnny Revilla, o Lord.
Source : Sports Weekly Magazine/Sportsworld (PBA Archives Collections)
PBA pioneer
1970 Asian Youth gold medalist
1970 Asian Games player
UE Red Warriors guard
7-season PBA veteran
3x UAAP champion
4x MiCAA champion

JOHNNY REVILLA
Ang pagkakasapi ni Johnny Revilla sa RP team na pumunta sa Tehran, Iran, ay talagang inaasahan na ng marami. Karapat-dapat na makabilang dito si Johnny sapagka't talagang maaasahan siya bilang isang magaling na guwardiya, na mahusay rin sa pagbubuslo ng bola sa rebound at sa jump shot. May taas na 5' 11", si Revilla ay may mabulas na pangangatawang kayang ipangsagupa pa sa matataas na kalaban. Para siyang limbas sa loob ng hardcourt at talagang maaasahan sa fastbreak. Beterano siya ng tatlong kompetisyong pang-internasyonal. Noong 1970, naging miyembro siya ng RP Youth Team, na naging kampeon sa Seoul, Korea. Nakasama rin siya sa RP team na naglaro sa 6th ABC sa Tokyo, Japan noong 1972 at sa 6th Asian Games sa BAngkok, Thailand noong 1970. May walong taong gulang pa lamang ay talagang hilig na niya ang paglalaro ng basketbol. Sa Olongapo City na kanyang nilakhan, walang liga ng basketbol na hindi siya kasama. Masasabing ang basketball court ang pangalawa niyang bahay. Si Johnny Revilla ay unang naglaro sa team ng Mapua Red Robins sa liga ng NCAA. Sinanay at tinuruan siya ng basketball fundamentals ni Coach Ike Liwanag. Naglalaro pa lamang sa high school team ng Mapua, hinulaan ni Coach Liwanag na malayo ang mararating ni Johnny sa larong ito. Nang makatapos ng high school, nag-aral sa UE si Johnny. Kinuha siya ni Coach Vir gilio "Baby Dalupan upang makabilang sa team ng UE Warriors, na namayani naman sa liga ng UAAP. Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga apisy nado sa basketbol ang magaling na paglalaro ni Johnny. Isa siya sa namumukodtanging player ng UAAP. Higit na nagkaroon ng pagunlad ang paglalaro ni Revilla nang isama siya ni Coach Dalupan sa team ng Crispa-Floro Redmanizers, na lumalahok sa liga ng MICAA. Naging isa siya sa mga highest scorer ng Crispa, na mahusay mag-set ng play, bukod sa maaasahan sa rebound, gayundin sa paggawa ng mga kinakailangang puntos, maging sa long range o close range shooting.May 25 taong gulang, si Johnny Revilla ay nasa ikatlong taon ng kursong Komersiyo sa University of the East nang huminto ng pag-aaral.






Aris Garcia
