Remembering Roberto “Jumbo” Salvador (+) on his birthday ( Sept 5 )

Remembering Roberto “Jumbo” Salvador (+) on his birthday ( Sept 5 )
Eternal repose grant unto Roberto “Jumbo” Salvador, o Lord.

PBA pioneer 
1-season PBA player
7/Up Uncolas pioneer player
Jose Rizal CollegecHeavy Bombers forward

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

JUMBO SALVADOR Halos lahat ng members ng Salvador clan ay mahilig sa basketbol. Namana nila ang hilig na ito sa kanilang amang si Lou "Papang" Salvador, Sr. (SLN). Noong kabataan ni Papang Salvador, isa siya sa magagaling na player natin sa basketbol. Bago naging Master Showman, naging miyembro siya ng RP team sa London Olympics noong 1930 at 1935. Magugunitang sa isang laro ay gumawa siya ng 78 puntos, na ang ilang puntos ay sa pamamagitan ng goal to goal at mid-court shooting. Wala pang nakaka break ng kanyang rekord hanggang sa kasalukuyan sa kasaysayan ng local basketball. Ang maituturing na pinaka successful at naging successor ni Papang Salvador ay si Jumbo Salvador. Una siyang naglaro sa team ng FPJ All Star Basketball Team. Pagkatapos, kinuha siya ni Coach Lauro "Bay" Mumar para maglaro sa team ng Meralco Reddies noong 1969. Nang Nang mabuwag ang Reddies, lumipat siya sa U-Tex Weavers, na kung saan siya naglalaro sa kasalukuyan bilang forward. May taas na 5'10", si Jumbo Salvador ay maaasahan sa lay-ups at one hand flips. Mahusay rin siya sa side area ng hardcourt. Isa siya sa mga top Scorer ng U-Tex.