Remembering the 1973 RP team in the ABC - Alberto 'Big Boy' Reynoso

Remembering the 1973 RP team in the ABC - Alberto 'Big Boy' Reynoso
1 / 1

1. Remembering the 1973 RP team in the ABC - Alberto 'Big Boy' Reynoso

Si Alberto "Big Boy" Reynoso ang itinuturing na pinakapangunahing center sa buong Pilipinas. Kinikilala siyang hari sa ilalim ng goal maging sa offense at defense at sa rebound. Mahusay rin siya sa pagsira sa set-play ng mga kalaban.
May taas na 6' 2", si Reynoso ay tumitimbang ng 200 lbs. Dahil sa kanyang kalakihan, tinagurian tuloy siyang Big Boy ng mga taga- hanga niya. Sa kasalukuyan, naglalaro siya bilang center sa koponan ng Toyota Comets. At kapag nasa loob na ng hardcourt ay pinangingilagan ng mga kapwa player tulad ng pangingilag sa kanya ng mga cagestar ng Japan, Korea at Nationalist China.

Nagsimulang maglaro ng basketbol si Big Boy sa edad na 15 taong gulang nang nag-aaral Rizal High School. Pagkaraan nito, nag-aral siya sa San Beda College at naglaro sa Red Lions sa loob ng apat na taon. Noong 1959, malaki ang nagawa ni Big Boy sa pagiging kampeon ng San Beda sa liga ng NCAA. Ang natatagong kakayahan ni Reynoso ay lalong nahasa sa mabuting pamamatnubay nina Coach Arturo "Lulli" Rius at Caloy Loyzaga ng San Beda. Noong 1961, naglaro siya para sa team ng Ysmael Steel Admirals. Apat na taong naging sunod-sunod na kampeon sa MICAA ang Admirals. Dito siya sumikat at tinanghal na pinakamahusay na center sa buang kapuluan. Nang buwagin ang Admirals noong 1968, si Reynoso ay lumipat sa Meralco Reddies. Habang naglalaro para 53 Meralco, nasangkot sa gulo si Big Boy Reynoso at Bobby Jaworski, na ikinasuspendi nila ng may ilang buwan, Nabuwag din ang team ng Meralco. Bagama't suspendido, patuloy pa rin sa pag-eensayo si Big Boy sa team ng Mariwasa, dito sana siya nakatakdang maglaro nang ma- pardon, nguni't dala ng mga di-inaasahang pangyayari ay sa Toyota Comets siya napasama.

Si Big Boy ay 14 na ulit na nagiging miyembro ng pambansang koponan at ang kahulihulihan ay ang ABC Championship na idinaos dito sa Maynila noong nakaraang Disyembre, 1973, at sa Mundo Basket sa Puerto Rico noong Hulyo, 1974.


Isinilang siya noong Mayo 14, 1940 sa Pasig, Rizal. Ang mga kapatid niyang sina Cristino at Jimmy ay player din ng Toyota Comets. Kasal siya kay Estela Licsi at may tatlong anak.

From Marikit 1974, Sports World, Sports Weekly Magazine 80s