Remembering the 1973 RP team in the ABC - William Adornado

Remembering the 1973 RP team in the ABC - William Adornado
1 / 1

1. Remembering the 1973 RP team in the ABC - William Adornado

Si William "Bogs" Adornado ang tinanghal na "Basket ball Player of the Year" ng 1974. Halos nagkakaisa ang palagay ng mga hurado ukol sa bagay na ito. Kung sabagay, hindi ito ang unang pagkakataon na nagtamo ng karangalan si Adornado. Noong 1971, siya ang napiling Mr. Basketball ng Philippine Sportswriter Association. Na pili rin siyang isa sa 10 top basketball players ng bansa noong 1973. Bukod dito, tatlong beses siyang napiling "most valuable player" ng UST at dalawang ulit na napagka- looban ng "Benevides AWard", dahil sa kanyang pagkatawan sa pang-inter kompetisyong national.

May taas na 6' 2" at forward sa anumang pangkat na salihan niya, malinis siyang maglaro at laging pinakakaiwasan ang ma foul. Isa siya sa highest scorer sa Crispa at National team at kinikilala ring pangalawa kay Shin Dong pa ng South Korea na nakapagtala ng pinakamataas na puntos nakaraang 7th Asian Basketball Confederation na isinagawa sa Maynila noong nakaraang Disyembre, 1973. Beterano siya sa mapakaraming kompetisyong pang internasyonal mula nang ma- diskubre ni Coach Rogelio Se rafico ng UST noong 1968. Isang Bikolano, si Adornado ay unang naglaro para sa Diving World College sa Legaspi City nang siya ay nasa high school pa. Nang nakita siyang maglaro ni Coach Serafico ay ginawa siyang miyembro ng UST Glo wing Goldies noong 1968.

Bago naging miyembro ng Olympic team na pumunta sa Munich, Germany noong 1972, si Bogs ay naging captain ball ng Asian Youth Team na naging kampeon sa Seoul, Korea noong 1970 at kabilang din sa ABC team na ipinadala sa Tokyo noong 1971.

From Marikit Magazine, SWM, Sports World