Happy Birthday, Bienvenido "Baby" Alenton ( Jan 31 )
Happy Birthday, Bienvenido "Baby" Alenton
PBA pioneer
Cebu Institute of Technology center-forward
4-season PBA veteran
2-PBA team player
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

Ang isa sa mga baguhang basketball player na nakikipagtagisan ng liksi at bilis sa liga ng MICAA Summer Basketball Tournament ay ang nasa kasibulan pa't mataas. Si Bien (ganyan ang tawag sa kanya ng mga kapalagayangloob) ay isa sa maraming Bisayang miyembro ng team ng SMB Braves. May taas na 6'1" at timbang na 160 lbs., tatlong posisyon ang nagagampanan niya ito'y bilang forward, center at guard. Mahusay siya sa rebound, follow-up, assist at long shot. Isa rin siya sa maaasahan sa paggawa ng kinakailangang puntos para sa kanilang team. Bagama't ito ay unang taon ng paglalaro ni Alenton sa liga ng MICAA, napag-uukulan na siya ng pansin ng mga apisyonado sa basketbol. Dahil sa kanyang kabataan at kataasan, maaari pa niyang mapagbuting lalo ang paglalaro basta't dumaan sa mahusay na pagsasanay at mabuting pagtuturo. limang Si Bien Alenton ay ipinanganak sa Cebu City noong Enero 31, 1955. Pangatlo siya sa magkakapatid, na binubuo ng dalawang lalaki at tatlong babae. Isang mangangalakal ang ama niyang si Bien Alenton, Sr. at isa namang guro ang kanyang ina na si Gng. Filo Alenton. Ang mataas na paaralan ay tinapos niya sa CIT sa Cebu City. Nag-aaral pa siya sa CIT nang kunin ng SMB Braves upang makabilang sa team nito. Si Alenton ay isa sa maipagmamalaking basketball player ng CIT tulad din ni Maximino Baguio, Jr. Bukod sa paglalaro ng basketbol, marunong ding tumugtog ng gitara at piyano si Bien. Mahilig din siya sa paglangoy sa dagat o sa swimming pool.


Aris Garcia
