Happy Birthday, Ricardo "Joy" Cleofas ( Feb 9 )
Happy Birthday, Ricardo "Joy" Cleofas! ( Feb 9 )
PBA pioneer
Ateneo Blue Eagles guard
1969 NCAA champion
1973 ABC gold medalist
1974 San Juan FIBA World Championship campaigner
1970 Asian Youth gold medalist
6-season PBA veteran
Tanduay Esquires guard
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

RICARDO "JOY" CLEOFAS
Nang ipahayag ang sampung namumukod na basketball player ng bansa pang 1973, naging larawan ng pambihirang kasiyahan si Ricardo Cleofas, pambatong forward-guard ng YCO Painters sapagka't kasama sa talaan ang kanyang pangalan. lyon ang kauna-unahang parangal na tinanggap ni Joy (palayaw sa kanya) sapul nang maglaro siya ng basketbol. Ayon kay Coach Fely Fajardo, si Joy Cleofas ay isa sa pinakamahusay na forward sa kasalukuyan, at iyon ay pinatunayan ni Joy nang pangunahan niya ang maraming panalo ng YCO, lalo na ang pagtatamo ng korona sa PANAMIN Benefit Series. Kabisado ni Joy ang dakong gilid ng goal at dito niya madalas na pawalan ang bola sa pamamagitan ng jumpshot. Kapag tumalon siyang hawak ang bola, nahihirapan nang dumikit ang nakaguwardiya sa kanya dahil madali niyang nailalayo ang katawan at malamang na ma-foul ang nakaharang sa kanya. Sa ganitong uri ng pagbubuslo ng bola nakilala si Cleofas (Jerry West Style) maging nang siya ay nag-aaral pa lamang sa Caloocan High School at sa Ateneo de Manila. Sa gulang na siyam na taon, nagsimula nang maglaro ng basketball si Joy. Malapit kasi sa kanila ang basketball court Si Joy ay ipinanganak noong Pebrero 9, 1951. sa Libis, Caloocan City, ng magasawang Benjamin Cleofas Sr. at Carolina Bunda. Siyam silang magkakapatid. Apat na babae at limang lalaki, kabilang ang isa ring mahusay na manlalaro ng basketball na si Benjie Cleofas, na kasama niya sa koponan ng YCO Painters. Unang nasama sa National Team si Joy Cleofas noong 1970 sa 1st Asian Youth Championship na ginanap sa Seoul, Korea at ito ay sinundan ng pagiging miyembro ng RP team na ipinadala sa Munich Olympics noong 1972. At napabilang din siya sa ABC team na, nag-champion noong nakaraang Disyembre na dito ginawa sa Pilipinas. Kabilang din siya sa ABC team na ipinadala sa Puerto Rico Mundo Basket. Magtatapos na nang high school nang tuluyang mabuksan sa kanya ang pinto ng magandang kapalaran nang alukin siyang mag-aral sa Ateneo at mag-try-out sa koponan ng Ateneo Blue Eagle. Madali naman siyang nakapasa sa try-out. Naglalaro noon sa NCAA, nang makita siya ni Fely Fajardo (dating coach ng YCO) at ito ang nag-alok kay Joy na maglaro sa YCO Painters noong 1970; Kasal siya sa kilalang bituin ng pelikula, si Desiree "Day" Distreza, at sa kabila ng lahat, nakabalak magpatuloy ng pagaaral. Third year Commerce siya nang matigil sa Sebastian College. Naglaro rin siya sa basketball team ni Nora Aunor.



Aris Garcia
