Happy Birthday, Romualdo “Romy” Cabading ( Feb 6 )
1. Happy Birthday, Romualdo “Romy” Cabading ( Feb 6 )

ROMUALDO CABADING Maraming apisyonado larong basketball ang ginulat ng baguhang si Romualdo "Romy" Cabading, ang 6' 5" na forward -guard ng Manila Bank Golden Bankers, sa torneo ng Manila Industrial Commercial Athletic Association (MICAA) noong 1973. Sapagka't siya ang nakapagtala ng pangalawang pinakamataas na puntos -39 points. Ito'y naganap nang makalaban nila ang Mariwasa Hondas, ang depending champion sa regular na torneo ng MICAA. Sabihin pa, marami ang nagtanong, sino si Cabading? Si Romy Cabading ay ipinanganak noong Pebrero 19, 1953. Siya'y mula sa Villasis, Pangasinan. Nakasapit hanggang ikatlong taon ng kursong Komersiyo sa University of Baguio. Munting bata pa lamang ay naglalaro na siya ng basketbol. Ang kaalaman niya sa larong ito ay lalong nahasa nang maging miyembro siya ng varsity team ng University of Baguio mula noong 1969 hanggang 1972. Ang kanilang pamantasan ay dumayo sa Maynila sa torneo ng inter-collegiate ng BAP. Dahil sa kataasan at isa sa mga pambatong manlalaro ng UB, napabilang siya sa Philippine team sa Asian Youth Basketball tournament sa Maynila noong Disyembre 1972, bilang Pagkatapos ng torneo ng Asian Youth, hindi na bumalik sa Baguio si Cabading. Kinuha siya ni Coach Caloy Loyzaga para sa binubuong team ng Manilabank. Ang naging base sa pagpili sa kanya ay ang kaba taan, kataasan, at kahusayan sa paglalaro. Hindi bumababa sa 10 puntos ang nairerehistro ni Cabading sa liga ng MICAA. Malaking tulong ang nagawa niya para sa team ng Manilabank Golden Bankers nang magtungo sila sa Hongkong upang lumahok sa invitational series. Sila ang nagwagi sa nasabing liga. Si Cabading ay hindi lamang basta mataas kundi nakatatalon pa rin ng mas mataas kaysa sa ordinaryong nagagawa ng isang player na tulad niya ang taas. Magaling din siya sa outside shot, jump shot, nguni't mas paborito niya ang undergoal shot dahil sa kanyang taas.



Aris Garcia
