Happy Birthday, Jaime “Jimmy” Otazu ( Apr 4 )
1.
Happy Birthday, Jaime “Jimmy” Otazu
Source : Assorted Magazines/Marikit 1974 (PBA Archives Collections)
PBA pioneer
4-season PBA veteran
San Sebastián Stag

JAIME "JIMMY" OTAZU
Unang naglaro at gumawa ng pangalan si Jaime "Jimmy" Otazu sa De Ocampo Memorial School. Dito ay naging star siya. At hindi nagtagal, lumipat siya sa San Sebastian College, sa team ng Stags. Dito ay naging skipper siya, at naging "most valuable player" sa NCAA noong 1972. Si Jimmy ang skipper nang mag-champion ang Stags sa NCAA noon 1973. Naging alternate din siya ng RP Youth Team na nag-retained! ng ating pagka-Asian Champion noong 1972, na ginanap sa Maynila. Isa rin sa maipagmamalaking instrumento nang maglaro siya sa San Miguel Braves, nang ang koponang ito ang mag-champion sa National Seniors noong 1973. Ngayon ay naglalaro si Jimmy sa U-Tex Weavers. At siya ang itinuturing na alternate ni Danny Florencio, sa pagiging scoring machine ng Weavers. Tulad ni Florencio, si Jimmy ay isa ring mapuwersa sa under stabs at mahusay sa drive-in lay-ups.




Aris Garcia
