Remembering Cristino “Tino” Reynoso (+) on his birthday ( July 3 )
Remembering Cristino “Tino” Reynoso (+) on his birthday ( July 3 )
Eternal repose grant unto Cristino “Tino” Reynoso, o Lord.
Source : Sports Weekly Magazine/Scoreboard (PBA Archives Collections)
PBA pioneer
6-season PBA veteran
4-franchise PBA player
Far Eastern University Tamaraws forward

CRISTINO "TINO" REYNOSO
Sinasabi ng mga apisyonado sa larong basketbol na muling nabuhay sa katauhan ni Cristino "Tinno" Reynoso ang kahusayan sa hardcourt ng top slotman ng Ateneo Blue Eagles na si Cristino "The Stretch" Arroyo. Sa taas na anim na talampakan at bilang center ng Toyota Comets, si Tinno Reynoso ay talagang maaasahan sa drive-in lay-up stretch, gayundin sa rebound, follow-ups at assists. Maaasahan din siya sa paggawa ng kinakailangang puntos. Kasama niyang naglalaro sa team ng Toyota Comets ang mga kapatid na sina Big Boy (center) at Jimmy (forwardguard). Sa magkakapatid, panganay si Big Boy, sumunod si Tinno at pangatlo si Jimmy. Talagang basketbol ang hilig ng kanilang angkan. Huwaran ni Tinno sa paglalaro ng basketbol ang kanyang kapatid na si Big Boy. At masasabing si Big Boy rin ang nagturo ng fundamentals ng larong ito kay Tinno. Sa University of the East nag-aral ng high school si Tino. Nasa unang taon pa lamang ng mataas na paaralan, naging player na kaagad si Tino ng junior team ng UE, na lumalahok sa liga ng UAAP. Ang nagsanay at nagturo ng husto kay Tino ng mga kaalaman sa basketbol ay si Coach Virgilio "Baby" Dalupan. Naging miyembro si Tinno Reynoso ng junior team ng UE at ng varsity team ng Warriors. Nang mga panahong iyon, dominado ng UE Warriors ang pagiging kampeon sa liga ng. UAAP sa loob ng may pitong taon. Pagkatapos sa UAAP, naging miyembro si Tino ng team ng Seven-Up Marauders (noon ay hindi pa Uncolas) na kasali sa torneo ng MICAA. Nang mabuwag ang team ng Seven-Up, lumipat si Tino sa team ng Meralco Reddies, sa ilalim ni Coach Lauro G. Mumar, bilang alternate ng kapatid na si Big Boy. Noong 1972, si Tino ay naging miyembro ng RP team na naging depending champion sa torneo ng Pesta Sukan sa Singapore. Nang mabuwag ang team ng Reddies dahil sa isang gulo sa MICAA, si Tino Reynoso ay sumapi sa Toyota Comets, kasama ang mga kapatid na sina Big Boy at Jimmy. Sa kasalukuyan, isa siya sa maaasahang manlalaro ng Toyota sa torneo ng MICAA '74.






Aris Garcia
