Happy Birthday, Roy Deles ( Aug 4 )

Happy Birthday, Roy Deles

Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)

PBA pioneer
San Beda Red Lions guard 
7-season PBA player

ROY DELES
Si Roy Deles ay isa sa pambatong guard ng team ng Concepcion Motorolas. May taas na anim na talampakan, maaasahan siya sa rebound, follow-ups at undergoal stabs. Sa torneo pa lang ng UAAP noong miyembro pa ng FEU Tamaraws ay kinagugulatan na ang istilo at depensa at pag. dadala ng bola ni Roy Deles, younger brother ni Roehl Deles ng U-Tex. Ang kanyang kakayahan sa paglalaro ay na-improved at lalong naideveloped nina Dick Francisco at Amang Lopez mga dating coach at trainer ng Concepcion Industries. Kaya maging nang mag-take over si Tito Eduque bilang mentor ng Motorolas ay nagkaroon din ito ng lubusang kompiyansa sa playing style ni Deles. Bagama't hindi pa nagiging isang national player, kilala na  rin siya at iginagalang ng ibang mga Asian players, tulad ng Japan at Korea, sapagka't nahirapan sa kanya at nakatikim ng supalpal ang mga shooting ace na sina Masatomo Taniguchi at Shin Dong Pa.