Happy Birthday, Eric Leaño ( Aug 6 )
Happy Birthday, Eric Leaño
Source : Assorted Magazines (PBA Archives Collections)
PBA pioneer
Mapua Red Cardinals guard
Crispa Redmanizers pioneer PBA player

ERIC LEANO
Kabilang si Eric Leaño sa mga shooting-guard ng CrispaFloro. Katulad nina Rey Franco at Virgilio dela Cruz, si Eric ay pambatong guwardiya. Madalas na sa pagsisimula ng laro ng Crispa, siya ay kasama sa first five. Matinik na guard. Mabilis at matatag sa paghawak ng bola, at higit sa lahat, madalas na umiinit ang kamay sa pag-shoot. Mahusay rin siya sa pagassist. At maaasahan din siya sa paggawa ng kailangang puntos sa mahigpitang laro. TechNagsimulang mahasa si Eric sa paglalaro ng basketbol noong siya ay nag-aaral sa Mapua Institute of nology. Isa siya sa pambatong manlalaro ng Mapua Cardinals. Tapos siya ng Business Administration, na ang major ay Banking & Finance. Pagkatapos niya ng college, naglaro na siya sa koponang kalahok sa MICAA. Sa team ng Concepcion unang sumapi. Hindi nagtagal at lumipat na siya sa Crispa Floro Redmanizaers. Motorolas siya Nang lumaro si Eric sa koponan ng Crispa, hindi na bago ang kanyang pangalan sa mga basketbol apisyonados. sapagka't sa paglalaro pa lamang sa Mapua Cardinals ay gumawa na siya nang matunog na pangalan. Ang kakayahan at kahusayan ay pinatunayan niya sa pagiging pangunahin at malakas na instrumento ng Crispa
Floro, na hawak ng mahusay ring coach na si Virgilio "Baby" Dalupan. May taas na 5' 9" at may timbang na 146 libras. May 24 na taon na siya ngayon. Agosto 6, 1950 nang isilang siya sa Caloocan City.



Aris Garcia
