Remembering the 1973 RP team in the ABC - Rogelio 'Tembong' Melencio
1. Remembering the 1973 RP team in the ABC - Rogelio 'Tembong' Melencio

Nang pumili ng 10 namumukod na basketball player nang taong 1973, hindi lamang sa hanay ng mga kabataan humugot, kundi sa may gulang ding kahanay ng edad ni Rogelio "Tembong" Melencio, at siya ay isa sa nahirang. Bagama't lampas na siya sa tatlumpung taon, nasa kanya parin ang sigla at bilis sa paglalaro na pinatunayan ng malalaking liga ng MICAA- Pilipino. Si Melencio, sa kasalukuyan ay itinuturing na pinakamautak sa laro, sapagka't una niyang inaalam kung saan mahina ang kalaban at sa bahaging iyon niya inaatake. Kaya kapag siya ang kasama sa hardcourt, maging ang kanyang mga kasama ay buo ang disposisyon sa paglalaro, sapagka't natatangay ng kanyang "mautak" na pamamaraan.

Unang naglaro si Tembong (palayaw sa kanya), sa Yutivo Opels noong 1961, at dito siya nagsimulang sumikat bilang center-forward, at ang taong pinagkakautangan niya ng loob sa magandang pagkakataong ibinigay sa kanya a walang iba kundi si Coach Lauro Mumar. Sa hindi pa nakababatid, si Melencio ay taga-distrito ng Tondo at doon siya ipanan- ganak ng mag-asawang mahirap. Nag-shoe-shine siya upang makapag-aral. At nang siya ay magka-asawa, nagmaneho siya ng taksi upang mayroon silang ikabuhay ng kanyang pamilya. At palibhasa ay likas na hilig niya ang basketbol, isinisingit niya ang paglalaro sa oras na wala siyang ginagawa at hindi hawak ang manibela ng taksi.

Sa bahaging iyon ng pag- lalaro niya, nakita siya ni Coach Lauro Mumar at inalok na maglaro sa Yutivo Opels. At sa koponang ito siya sumikat at naging star player. Sikat nang manlalaro si Melencio nang mabuwag ang Yutivo, at karaka siyang kinuha ni Rafael Hechanova para maglaro sa Concepcion Industries Motorolas. Marami na rin ang karangalang nakamit ni Tembong Melencio sa paglalaro ng basketball. Kabilang na ang pagiging team captain niya ng 1972 Pesta Sukan noong Naging miyembro ng National Team na ipinadala sa 4th ABC sa Seoul, Korea at 5th ABC sa Bangkok, Thailand, sa Mexico 1968 at Olympics noong gayundin sa Munich Olympics. Naging miyembro ng National Team na nagchampion sa nakaraang ABC na ginanap dito sa Pilipinas noong na- karaang Disyembre 1973, kabilang din siya sa ABC team na ipinadala sa Puerto Rico Mundo Basket.

From Marikit 1974, Sports World, Sports Weekly Magazine 80s
Aris Garcia
