Remembering David “Dave” Regullano (+) on his birthday ( Mar 21 )

1.

DAVID "DAVE" REGULLANO
Basta hook shot, maaasahan si Dave Regullano. Kahit na mas mataas pa ang gumuwardia sa kanya, mahirap mapigilan ang pagbubuslo ng bola ni Regullano. Iyan ang isa sa maganda niyang katangian. Bukod dito, bilang isang center, maaari rin siya sa pagiging guwardiya. Kaya, madalas ay center-guard siya sa ating national team o sa San Miguel Corporation Braves na kaniyang kinasaniban. Malaking tulong ang kaniyang taas na 6' 2" sa pangkat na kinabibilangan niya. Mahusay slya sa assist, rebound, follow-up at jump shot. Bilang isang matinik na guard, malaking tulong ang nagawa niya sa 7th Asian Basketball Conference na isinagawa sa Maynila noong nakaraang Disyembre. Sa laban ng Pilipinas sa mga manlalarong Hapones, siya ang naging guwardiya ng top player ng Hapon na si Masatomo Taniguchi. Nasira ang magandang rekord ni Taniguchi nang bantayan siya ng husto ni Regullano. Natalo tuloy ang Japan, na isa sa pinakamahigpit nating sa kampeonato sa kalaban Asya. Si Dave ay isa sa maaasahang miyembro ng national team. Kabilang siya sa Pesta Sukan team ng Pilipinas noong 1971 at 1972. Ang pinakamalaking break na dumating sa buhay niya ay nang mapabilang siya sa team ng Pilipinas sa ABC. Malamig ang kaniyang ulo, hindi pikon at pinagiingatan ang makasakit ng kapwa niya manlalaro. Sa mga tune-up games ng ating ABC team bago pumunta sa Puerto Rico ay namalas ng lahat ang magaling na paglalaro ni Dave. Dahil sa kagandahan ng rekord ng paglalaro, muli siyang nakabilang sa team ng Pilipinas na ipinadala sa Tehran, Iran. Alam kasi ni Coach Tito Eduque na maaasahan niya si Dave, dahil sa magaling na center-forward, na bihirang bihira sa mga players natin. Hindi nagbabago ang estilo ni Dave kapag ganito ang posisyon niya sa hardcourt. Karaniwan kasi, ang isang sentro ay naglalaro ng forward o ang isang forward ay maaaring pumalit bilang guard. Unang naglalaro ng basketbol si Dave para sa Ateneo de Naga high School team noong 1961 hanggang 1965. Ang nekadeskubre sa kaniya ay si Coach Mike Smile. Nakita siya nito habang naglalaro sa intramural games ng nasabing paaralan. Kinuha siya at sinanay. Lumuwas ng Maynila si Dave nang makatapos ng mataas na paaralan. Lumahok siya sa tryouts ng Ateneo Blue Eagles. Dahil sa talaga namang may nalalaman sa basketbol, bukod sa mataas, nakuha siyang manlalaro ng Ateneo. Napasama siya sa NCAA basketball tournament noong 1966 at 1967. Hindi siya nagtagal sa Blue Eagles. Noong 1968, lumipat siya sa San Juan de Letran. Kinuha siya ni Coach Gabriel Fajardo upang maging skipper ng Letran Knights na dalawang ulit na naging kampeon sa NCAA. Sa pamamagitan ng pagiging basketbol player, nakapag-aral siya ng walang bayad at natapos ang kursong Komersiyo major in Banking and Finance sa Letran.

Nguni't wala sa pagtatayo Ing sariling negosyo ang hilig ni Dave. Talagang ang daigdig niya ay basketbol. Dahil dito, nang alukin siya na maging miyembro ng binubuong Meralco, Reddy Kilowatts basketball team, agad siyang sumama. Nasangkot sa gulo ang Meralco sa kampeonato MICAA sa Araneta Coliseum noong 1971 kaya ito'y nabuwag. Lumipat naman si Dave sa San Miguel Corporation Braves at naging isa sa mga pambatong player nito. Isinilang siya noong Marso 21, 1948 sa Pili, Camarines Sur. Siya ay panganay sa apat ne anak (dalawang lalaki at dalawang babae) ng nasirang Pablo Regullano at Gng. Honorata Vda. de Regullano. Tapos siya ng Commerce major in Banking and Finance sa Letran College. Kasal siya kay Baby Sosay. Sa kasalukuyan, nagtatrabaho siya sa Public and Assistance sa San Miguel Corporation.